Sa paglipas ng panahon, ang mga bagay ay nagbabago. Kung may mawala man
ay papaltan ito ng bago. Ngunit sa higit na 20 taon na pagiging
Filipino, masaabi kong ang fishball ay isa sa mga bagay na hindi
nagbago.
Bata pa lang ako ay paborito ko na ang fishball. Araw-araw, lalabas ako ng bahay at tatawid sa may eskwelahan kung saan may nagtitinda ng paborito konng fishball. Simula noon hanggang ngayon, ang fishball ay nagkakahalaga lamang ng Php 0.50, nagmahal na ang lahat ng bilihin sa merkado ngunit ang fishball ay nananatili pading mura at masarap.
Bukod sa fishball, marami pang ibang street foods ang pwedeng mabili. Nariyan ang kikiam, kwek-kwek, ang squidballs, bato-bato, isaw at marami pang iba. Maraming mga dahilan kaya patok ang mga street foods na ito sa ating mga Filipino. Unang-una, mura ito. Sa halagang 5 piso, may 10 fishball ka na. O kaya naman ay 5 kikiam, o 2 squidball. Pangalawa ay hindi mo na kailangan pumila ng matagal para makakain. Sa bawat kalye ay may kariton ng street food. Kumuha ka lang ng stick, tuhugin ang mga paborito mong street food, isawsaw sa paborito mong sawsawan, magbayad kay manong at pwede ka nang kumain at magpakabusog.
For those who don't have an idea about fishballs. Fishballs are made from starch and meat of cuttlefish or pollock. It is shaped somewhat flat. I don't know why they called it fishball when in fact it's shape is not a ball at all.

No comments:
Post a Comment